MANILA, Philippines - Isang ginang ang nagpatiwakal sa pamamaÂgitan ng pagbigti sa sarili sa loob ng kanilang taÂhanan sa Pasig City kamaÂkalawa ng hapon.
Sa iniwang ‘suicide note’ ni Sheilla Fajardo, 22 ng Aguinaldo St., Zandro Ville, Nagpayong, Brgy. Pinagbuhatan sa lungsod ay humihingi ito ng kapatawaran sa kanyang ina, dalawang anak at kinakasama dahil sa kanyang nagawang pagpapakamatay.
Hindi naman binanggit ng biktima sa kanyang suicide note kung ano ang dahilan ng kanyang ginawang pagpapatiwakal na malalim ngayong palaisipan sa kanyang pamilya. Nylon cord ang ginamit ng biktima sa kanyang pagbibigti na itinali sa amba ng kanilang tahanan at ipinulupot sa kanyang leeg.
Base sa imbestigasÂyon ni PO3 Al Alvarez, nabatid na dakong alas-5:45 ng hapon nang naÂdisÂkubre ang bangkay ng biktima. Nakuha ang suicide note sa ibabaw ng isang timba na nakasulat ang paghingi ng tawad sa kanyang ina, live-in partner na si Erwin Pulawan, 22 at dalawang anak na sina Cheska at Feona.