^

Metro

Biyuda niratrat, patay sa naka-bonnet

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang bi­yuda, habang sugatan naman ang isa pa  makaraang pagbabarilin ng nag-iisang suspect na naka­suot ng bonnet sa lungsod Quezon, iniulat kahapon.

Si Melanie Penero, 49, ng Sebastian St., San Roque II, Brgy. Pag-asa sa lungsod ay agad na nasawi matapos ang pamamaril.

Habang sugatan naman si Dante dela Cruz, 41, matapos tamaan ng ligaw na bala sa kanang kamay.

Mabilis namang tumakas ang suspect na nakasuot ng bonnet at long sleeve na t-shirt makaraan ang krimen.

Sa ulat ng pulisya, nangyari ang insidente sa may Sampaguita St., corner Sebastian St., San Roque II, Brgy. Bagong Pagasa, ganap na alas- 3:30 ng hapon.

Ayon kay Severino Carreon Jr., naglalaro sila ng tong-its ng biktimang si dela Cruz, habang ang biktimang si Penero naman ay kumakain ng kanyang tanghalian nang biglang sumulpot ang naka-bonnet na suspect.

Mula rito, agad na nagbunot ng baril ang suspect at pinagbabaril si Penero na agad na ikinasawi nito. Habang si dela Cruz naman ay tinamaan ng ligaw na bala sa kanang kamay.

Narekober ng mga aw­toridad sa lugar ang anim na basyo ng bala ng kalibre 9mm na baril na ginamit ng suspect sa krimen.

Inaalam pa ng awto­ridad ang motibo ng nasabing pamamaril sa biktima.

BAGONG PAGASA

BRGY

CRUZ

HABANG

PENERO

SAMPAGUITA ST.

SAN ROQUE

SEBASTIAN ST.

SEVERINO CARREON JR.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with