High school student patay sa lunod

MANILA, Philippines - Isang high school student ang namatay  ma­tapos na malunod sa isang swimming pool sa San Miguel, Maynila  kahapon ng umaga.

Kinilala ang nasawi  na si Timothy John Borlain,  2nd year  sa Victorino Mapa High School at residente ng  Little Baguio St., San Juan City.

Batay sa imbestigas­yon nagtungo ang biktima  sa Student Club House Swimming Pool na nasa  kanto ng Arlegui at San Miguel Sts. bandang alas-10:15 ng umaga  kahapon kasama ang kanyang  mga kaklase.

Hindi natagalan ay humingi umano ng saklolo ang mga kasamahan ng biktima sa lifeguard na si Jomary Buan, 18 ng Sanciangco St., Malabon dahil sa nalulunod na si Borlain.

Naiahon naman mula sa tubig ang biktima at binigyan  ng  first aid ngunit hindi na naibalik ang ulirat nito.

Isinugod ito sa paga­mutan subalit idinekla­rang dead-on-arrival.

 

Show comments