Trader nagbigti

MANILA, Philippines - Matapos makipagtalo sa kinakasama, isang lalaki ang nagpakamatay kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Dead on arrival sa Bernardino Hospital si Felicito Abad Jr., 25, negosyante ng mga scrap materials at residente ng NPC, Area 1, Talipapa ng naturang lungsod.

Sa ulat ng Caloocan City Police, dakong alas-6:00 ng gabi nang makitang nakabigti ang biktima ng cable wire sa kanilang sala ng kanyang amang si Felicito Sr.

Agad na kinalag sa pagkakabigti  ang batang Abad bago dinala ng kanyang ama sa nabanggit na ospital,  subalit hindi na umabot ng buhay.

Nabatid na bago nagbigti ang biktima ay nakatalo nito ang kanyang ka-live-in na hindi na nakuha ang pangalan sa hindi pa batid na kadahilanan.

 

Show comments