^

Metro

Turistang Pranses utas sa holdap

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sa kabila ng progra­ma umano para makahikayat sa mga dayuhang turista, isang turistang Pranses ang nasawi makaraang pagbabarilin ng isang holdaper na nagtangkang humablot sa dala nitong bag, kahapon ng umaga sa Pasay City.

Hindi na umabot pang buhay sa San Juan de Dios Hospital ang biktimang si Hofman Pierre Paul Franz, 68, tubong-Du Ulouse, France at pansamantalang nanunuluyan sa Ralph Mansion, sa Parañaque City.  Nagtamo ito ng tatlong tama ng bala ng kalibre .45 baril sa katawan.

Nakatakas naman ang suspek na lulan ng  isang motorsiklo na minamaneho ng naghihintay niyang kasamahan.  Nagawang matangay din ng mga salarin ang bag ng biktima na nagla­laman ng pera at perso­nal na gamit ng dayuhan.

Sa ulat ng Station Investigation and Detective Management Section (SIDMS) ng Pasay Police, naglalakad ang biktima kasama ang dalawa pang kababayan na sina Leclerc Julien Cuy Henry­, Dubois Leclerc at Pinay na si Joselyne Maria Theresa sa EDSA upang sumakay ng taxi patungo sa terminal ng Victory Liner nang harangin ng suspek na armado ng baril sa tapat ng Heritage Hotel dakong alas-8:30 ng umaga.

Puwersahang hinab­lot ng suspect ang bag ng biktima subalit pumalag umano ang dayuhan kaya’t pinagbabaril siya ng suspect.  Wala namang agad na nakasaklolo sa mga biktima kahit na abala ang naturang bahagi ng EDSA at napakaraming nakakalat na traffic enforcers habang may tourist police rin na nakatalaga sa tapat ng naturang hotel.

 

vuukle comment

DIOS HOSPITAL

DU ULOUSE

DUBOIS LECLERC

HERITAGE HOTEL

HOFMAN PIERRE PAUL FRANZ

JOSELYNE MARIA THERESA

LECLERC JULIEN CUY HENRY

PASAY CITY

PASAY POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with