Global celebration ng ‘Relay for Life’ pangungunahan nina Bistek at Joy B

MANILA, Philippines - Pangungunahan ni­na­ Quezon City Mayor Herbert Bautista at Vice Mayor Joy Belmonte ang gagawing global celebra­tion para sa 2013 Relay­ for Life sa Amoranto Sports Complex ngayong Biyernes (Marso 8) bilang pakikiisa ng lokal na pamahalaan laban sa sakit na cancer.

Ang naturang okasyon na ika-9 na taon nang host ang QC ang magsi­silbing  pormal na pagbu­bukas ng 24-hour relay na layong maipaalam sa publiko ang kahalagahan ng cancer  prevention at pagkontrol sa naturang sakit.

Bukod kay Bautista at Vice Mayor Belmonte, isa din si Health Undersec­re­tary Teodoro Herbosa na magbibigay ng men­sahe kaugnay ng okasyon.

Ang QC ay kaagapay sa  anti-cancer campaign ng  Philippine Cancer Society (PCS) para mapa­ngalagaan ang mga cancer patients sa bansa.

Si Vice Mayor Bel­mon­te na naitalagang chairperson para sa 2013 Relay for Life ay nagsa­bing ang proyektong ito ay mahalaga para sa pa­tuloy na pagpo-promote ng  cancer-free advocacy project sa lungsod.

Ang proceeds sa pro­yektong ito ay ilalaan sa mga programa ng PCS tulad ng breast exami­na­tion, pap smear, patient na­vigation program, free mammography, medical assistance para sa early stage breast cancer patients at free clinical consultation.

 

Show comments