Lalaki nagbaril sa cr ng babae

MANILA, Philippines -Patay na nang ma­tagpuan ang isang 30-anyos na lalaki matapos itong magbaril sa sarili sa loob ng ladies’ comfort room ng pinaglilingkurang gusali  sa Tondo, Maynila, kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ang nasawi na si Charlie Torres, bowling mechanic, tubong-Lucena City at nanunuluyan sa  J. Abad Santos  St., Tondo, Maynila.

Sa ulat ng pulisya, ala-1:00 ng madaling-araw nang madiskubre ang bangkay ng biktima  sa loob ng comfort room ng ika-8  palapag ng Sure Shots Sports Ville na nasa J. Abad Santos st.,  Tondo, Maynila.

Nadiskubre lamang ang pagpapa­tiwakal nang maghanap umano ng service firearm ang security guard na si Raul Labe, na nagsabing iniwan niya sa drawer ang kaniyang baril matapos na kumain. Naiwan umano sa gusali ang isa pang security guard na si Raymond Bajala na nakikipagkuwentuhan pa sa biktima sa labas ng gusali.

Nang tanungin si Bajala ay hindi umano alam kung nasaan ang baril kaya ang biktima sana ang tatanungin dahilan para puntahan ito sa ika-8 pa­lapag kung saan umano  ito natutulog.

Wala umano sa tinutulugan kaya sinubukang hanapin hanggang sa ma­tagpuang nakahandusay sa comfort room na pambabae at doon natagpuan din ang hinahanap na baril.

Sinabi ni Bajala, na­pag-usapan umano nila ng nasawi  ang sakit nitong ‘tulo’.

 

Show comments