Ginang, dedo sa bundol

MANILA, Philippines - Dedo ang isang ginang matapos na mabundol ng isang motorsiklo habang papauwi ito buhat sa pama­malengke sa Mandaluyong City kama­kalawa ng hapon.

Dead-on-arrival sa Mandaluyong City Medical Center ang biktimang si Helen Brutas, 56, ng Block 38, Welfareville Compound, Brgy. Addition Hills, Mandaluyong City ma­tapos na mabagok ang ulo nang mabundol ng motorsiklo.

Arestado naman ang suspek na nakilalang si Renato Mamoga Jr., 32, binata, ng Wel­fareville Compound, Brgy. Addition Hills, Mandaluyong City.

Batay sa ulat ni SPO1 Jeorge Gorgonia, ng Vehi­cular Traffic Investigastion Unit ng Mandaluyong, lumilitaw na papauwi na umano ang bik­tima mula sa pamama­lengke dala ang kanyang mga pinamalengke, nang bigla na lang itong tumbukin ng isang Honda motorcycle (VJ 9793) na minamaneho ng suspek dakong alas-5:30 ng hapon.

Kaagad namang isinugod sa pagamutan ang biktima ngunit hindi na umabot pang buhay.

Sinasabing nakainom ng alak ang suspek nang ma­aresto ng mga awtoridad.

 

Show comments