Athletes oobligahin sa drug test

MANILA, Philippines - Oobligahin ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang mga unibersidad sa drug-testing sa lahat ng mga collegiate athletes, kasabay ng estriktong pagpapatupad at pag-obserba nito.

“I believe that college basketball players are covered by the drug-testing procedure, but on a one-time basis just before the start of the league,” sabi ni PDEA Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac, Jr., 

Aksyon ito ni Cacdac, kasunod ng pagkaka-aresto sa dalawang varsity player ng Far Eastern University (FEU)  na sina Anthony Hargrove, 21; at Adam Mohammad, 22, na nakuhanan ng marijuana ng mga nagpapatrulyang awtoridad habang humihitit sa may panulukan ng Nicanor Reyes Street at Claro M. Recto Avenue, malapit sa kanilang campus bago maghatinggabi. 

Giit ni Cacdac, maging basehan anya ang pagkakadakip sa dalawang atleta para gawin ang kanilang kahilingan, dahil ang mga ito anya ay tinatangkilik ng mga estudyante dahil sa kanilang galing sa paglalaro at hindi sa ganitong uri ng bagay.

“This should be an eye-opener. All schools must observe stringent drug-testing program that their varsity athletes must adhere, not only in basketball, but in all other sports. Sports is a constructive force in developing one’s character and in promoting the ideals of clean living. Hence, leaving no room for illegal drugs,” sabi pa ni Cacdac.

Show comments