MANILA, Philippines - Isang ginang ang nasawi makaraang atakehin habang dinidinig ang kasong pagnanakaw ng kanyang anak na lalake sa loob ng isang barangay hall sa lungsod Quezon kamakalawa.
Kinilala ang nasawi si Jenny Jean Grafane, 46, ng Kaingin II, Brgy. Pansol sa lungsod.
Nagawa pang maisugod sa Quirino Memorial MeÂdical Center ang ginang pero idineklara ring dead- on-arrival.
Lumilitaw sa pagsisiÂyasat na nangyari ang insiÂdente sa loob ng barangay hall ng Brgy. Pansol, ganap na alas-10 ng gabi.
Bago ito, sinamahan umano ng nasawi ang kanyang anak na si Vincent sa barangay hall para sa mediation at kompronÂtasyon sa umano’y kasong theft laban sa huli.
Habang dinidinig ang kaso, bigla na lamang umanong nanginig ang katawan ng biktima, kaya itinakbo ito sa nasabing ospital subalit hindi na rin umabot pang buhay.