Anibersaryo ng People Power, ginunita rin sa Maynila

MANILA, Philippines - Pinangunahan nina Manila Mayor Alfredo S. Lim at presidential sister Ballsy Aquino-Cruz  ang selebras­yon kahapon ng ika-27  EDSA People Power Revolution   sa monumento ng mag-asawang sina da­ting Senador Benigno Aquino Jr. at dating pa­ngulong Cory  sa panulukan ng Bonifacio Drive at P. Burgos St., Ermita, Maynila.

Pinasalamatan ni Ballsy ang regular na paggunita at parangal ng Maynila sa mga kasaysayang magpapaalala sa bayan sa kaniyang mga magulang.

“Taos-puso po ang pagpapasalamat naming magkakapatid kay Mayor Alfredo Lim para sa parangal sa mga magulang namin at para po sa pagkakaibigan na panghabambuhay,” ani Ballsy.

Sinabi naman ni Lim na ang layunin ng Aquino administration na tuluyang ma­iwaksi ang korapsiyon sa bansa ay makakamtan na sa pagtutulungan ng mga opisyal ng gobyerno.

Kabilang sa dumalo ang mga personalidad na bahagi ng 1986 EDSA People Power Revolution  na sina dating Senator Aquilino Pimentel at Rene Saguisag, da­ting  Congressman, journalist Teddy Boy Locsin, Jr., EDSA People Power Commission chair at  former interior secretary Cesar Sarino.

Bukod sa wreath-laying ceremony, inawit din ang popular na awiting Bayan Ko sa panahon ng EDSA 1, pagpapalipad din ng mga dilaw na lobo, confetti at puting kalapati.

 

Show comments