^

Metro

Bus marshals at detectives, ikinalat sa QC

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Upang mabigyan ng proteksyon ang mga commuters sa mga pampasaherong sasakyan laban sa mga kriminal, binuhay ng Quezon City Police District Office (QCPD) ang paglalagay ng mga bus marshals at detective beat patrol sa kahabaan ng Edsa na sakop nito sa lungsod.

Ayon kay QCPD director Senior Supt. Richard Albano, karaniwan nang lumilitaw ang mga kriminal na nambibiktima ng pampasaherong bus kapag nagbabago ang taon, lalo na kung may okasyon, kung kaya minarapat nilang buhayin ang paglalagay ng mga pulis na magmamatyag sa mga kriminal.

Subalit kung dati ang sentro lamang ng mga fire marshal ay hulihin ang posibleng kriminal, ngayon ay tuturuan na rin nila ng tamang pamamaraan ang mga bus driver at konduktor ukol sa tamang pakikipag-komunikasyon sa kanilang tanggapan.

Ito anya ay sa pamamagitan ng pagte-teks sa kanilang tanggapan sa sandaling may kahina-hinalang pasahero na sakay ng kanilang bus.

Nabatid kay Albano na ang may 60 bus marshals na kinabibilangan ng mga unipormadong babae at lalaki ang ikakalat sa mga pampasaherong bus na bumi­biyahe sa EDSA, Quezon Avenue, Commonwealth Avenue, at A. Bonifacio na sakop ng Quezon City.

Sampung trips kada palit ang gagawin ng mga bus marshals para mapigilan ang mga masasamang-loob na posibleng umatake sa loob ng bus.

Bukod pa dito ang mga plain clothes detectives na ipapakalat naman sa mga pampasaherong jeepney at FX taxi.

ALBANO

BUS

COMMONWEALTH AVENUE

QUEZON AVENUE

QUEZON CITY

QUEZON CITY POLICE DISTRICT OFFICE

RICHARD ALBANO

SENIOR SUPT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with