^

Metro

P1 bilyon infrastructure projects, inilaan ng QC engineering ngayong 2013

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Upang higit na mapalawak at mapahusay ang pagkakaloob ng pangunahing serbisyo sa mga taga-Quezon City, mahigit sa P1 bilyong infrastructure projects ang laan ng  Quezon City Engineering Department (QCED) ngayong  2013.

Sa kabuuang halaga, sinabi ni Engr. Joselito Cabungcal, hepe ng QCED na may 93 vertical structures ang ginastusan ng tanggapan na may halagang P700 milyon para sa  repair/rehabilitation at improvement ng day care cen­ters, health centers, barangay halls, multi-purpose halls, mga paaralan at iba pang-istraktura.

 Bukod pa anya ito sa  P5-milyon halaga ng horizontal projects  na ipatutupad ngayong taon kabilang ang 24 na proyekto na nakapaloob sa flood control category habang ang  62 proyekto ay  para sa road improvement, drainage improvement, clearing at paglilinis ng mga  waterways bracket­.

Sinabi ni Cabungcal  na sa kasalukuyan, ang QCED ay may nakumpleto nang mga proyekto tulad ng pagtatayo ng ibat ibang mga istraktura sa ibat ibang barangay sa QC  na umaakma sa  safety in government standards.

BUKOD

CABUNGCAL

JOSELITO CABUNGCAL

QUEZON CITY

QUEZON CITY ENGINEERING DEPARTMENT

SINABI

UPANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with