MANILA, Philippines - Isang saksakyan na may mga bahid ng dugo sa loob ang natagpuan sa parking lot ng isang mall sa lungsod Quezon kahapon ng hapon.
Ang sasakyan ay Suzuki Celerio model na for registration na nakitang abandonado sa parking lot ng Eton Cetris na nasa Edsa corner Quezon Avenue sa lungsod.
Ang naturang kotse ay sinaÂsabing pag-aari ng isang Gerald Reyes, 27, binata, negosyante ng West Fairview sa lungsod, base sa pahayag ng kaanak nito.
Sinasabing si Reyes, ay walong araw na umanong nawaÂwala simula noong Feb 11, matapos magpaalam na may gagawing trabaho malapit lamang sa lugar, ganap na alas-8 ng umaga.
Simula noon ay hindi na nakita pa ang biktima, hanggang sa matagpuan ang nasabing sasakyan. Patuloy ang imbestigasyon ng awtoridad sa nasaÂbing insidente.