Magkasintahan nag-away, lalaki nagbaril

MANILA, Philippines - Labis na dinamdam ng isang  lalaki ang pag-aaway nila ng kanyang  kasintahan  nang  magpakamatay ito sa pamamagitan ng pagbaril sa sarili kamakalawa ng gabi sa  Pandacan, Maynila.

Patay na nang idating sa ospital  ang biktimang  si Arlhie dela Cruz, 27, ng  Pandacan, Maynila. Dakong alas-6:30 ng gabi nang maganap ang insi­dente sa kuwarto ng biktima sa ikalawang palapag ng kanilang bahay. Bago ito, nakipag-inuman muna ang biktima sa mga barkada kung saan naikuwento nito ang pag-aaway nila ng kanyang nobyang si Jai Dee at nagbanta pa umano na magpapakamatay siya.

Matapos ang inuman ay nakatanggap ng text ang mga kaibigang kainuman mula sa biktima kung saan humingi ito ng tulong para dalhin siya sa ospital. Mabilis naman pinuntahan ang biktima subalit pagdating sa bahay ay doon na tumambad ang  duguang katawan ng biktima ay may malaking butas sa dibdib. Bago umano nalagutan ng hininga ang biktima ay inihabilin pa nito sa dalawa niyang kaibigan na huwag pabayaan ang kanyang kapatid. Inaalam din kung may naganap na foul play sa pagkamatay ng biktima.

Show comments