^

Metro

2 holdaper bulagta sa shootout

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawang holdaper ang bumulagta makaraang makipagbarilan sa mga pulis sa hiwalay na lugar sa Maynila at Quezon City, kahapon ng madaling-araw. Sa Maynila, patay ang isa sa tatlong hinihinalang holdaper nang maka-engkuwentro ang mga awtoridad matapos na holdapin ang isang pampa­saherong jeep kahapon ng ma­daling-araw sa Sta. Cruz, Maynila.

Dead-on-arrival sa ospital si Rex Tan, 27, ng Sta. Cruz, Maynila sanhi ng tama ng  bala sa dibdib at sa binti. Naganap ang  krimen  dakong alas-2:30 ng madaling-araw sa panulukan ng Lope de Vega at Teodora Alonzo Sts., sakop ng Sta.Cruz.

Nagpapatrulya ang mga pulis nang mapansin ang  paghingi ng tulong ng mga pasahero ng jeep na hinoldap ng tatlong kalalakihan na su­makay ng tricycle matapos ang  insidente.

Sinita ng mga pulis ang nasabing tricycle subalit isa sa mga suspect ang agad na nag­labas ng baril at inumang sa mga awtoridad na naging dahilan upang barilin ng parak.

Samantala, utas din ang hindi pa kilalang holdaper nang maki­pagpalitan ng putok ng baril sa mga nag­respondeng pulis sa Cubao, Quezon City. Positibong kinilala ng biktimang si Marites Perez, 38, ang nasawing suspect na siyang humoldap sa kanya. Isang .38 cal. revolver ang nakuha sa suspect.

 

vuukle comment

CRUZ

CUBAO

MARITES PEREZ

MAYNILA

QUEZON CITY

REX TAN

SA MAYNILA

TEODORA ALONZO STS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with