Obrero natabunan ng gumuhong tipak ng semento

MANILA, Philippines - Isang obrero ang na­ta­bunan ng concrete slab ng ginigibang sidewalk, habang naghuhukay para sa drainage system, sa bahagi ng Sampaloc, Maynila, kahapon ng hapon.

Batay sa inisyal na ulat ng Manila Police District-station 4, dakong alas- 2:35 ng hapon  nang matabunan  ang hindi pa kilalang worker na ini­larawan lamang ng pulisya na nakasuot ng kulay blue na t-shirt na may tatak na F&F Contractors at isinugod umano sa UST Hospital.

Rumesponde naman ang mga tauhan ng MPD-station 4, subalit ayaw makipagtulungan sa imbestigasyon ang sinumang kinatawan ng construction firm, na tanging ang sinabi lamang umano ng mga kasamahan ay stable o nasa ligtas na kondisyon  naman ang biktima.

Nabatid na sumaklolo ang backhoe ng Department of Public Works and Highways (DPWH) upang matanggal ang slab  na tumabon sa biktima, na nasa hukay.

Patuloy pang pinaiimbestigahan ni Supt. James Afalla ang insi­dente dahil ayaw pang makipagtulungan ang contractor para matukoy ang dahilan ng pagguho.

Show comments