Holdaper patay sa shootout
MANILA, Philippines - Walang buhay na bumulagta sa kalye ang isa sa hinihinalang holdaper makaraang mabaril ng mga awtoridad sa isang engkwentro, ilang minuto matapos nitong holdapin ang isang dalagita sa lungsod Quezon kahapon ng madaling araw.
Walang nakuhang anumang pagkakakilanlan sa nasawing suspect na inilarawang nasa edad na 30-35, may taas na 5’4, moreno, may tattoo na “Masiâ€,â€Barokâ€, “Boy Munoyâ€, “Talim†, “Parolaâ€, larawan ng dalawang lalaki, at “Mo†sa magkabilang braso nito.
Mabilis namang nakatakas ang isa pang kasamahan nito. Positibo namang tinukoy ng biktimang si Anjanete del Rosario, 15, estudyante ng San Bartolome high School ang nasawi na siyang humoldap sa kanya at tumangay ng kanyang cell phone.
Nangyari ang shootout sa Road St., corner Araneta Avenue, Brgy. Tatalon, ganap na alas -12:30 ng madaling araw.
Bago ang insidente, naghihintay umano ng masasakyang jeepney ang biktima malapit sa lugar papauwi sa Novaliches, nang biglang sumulpot ang mga suspect at nagdeklara ng holdap.
Kasunod nito, biglang kinuha ng isa sa mga suspect ang Samsung wave cell phone ng biktima na nakasabit sa leeg nito, saka mabilis na tumakas.
Gayunman, nakita ng biktima ang nagpaÂpatrulyang pulis na sakay ng isang mobile car at mabilis na hiningan nito ng tulong.
Agad namang nagsagawa ng pagtugis ang mga awtoridad kasama ang biktima, hanggang sa maispatan. Tinangka ng mga awtoridad na pahintuin ang mga suspect, pero sa halip na sumunod ay pinaputukan umano sila ng mga huli.
Dahil dito, napilitang gumanti ng putok ang mga awtoridad na nauwi sa engkwentro at magresulta sa pagkasawi ng isa sa mga suspect.
- Latest