MANILA, Philippines - Isang pedestrian na pinaÂniniwalaang may sakit sa pag-iisip ang nasawi maÂtapos mabundol ng isang saÂsakyan habang tumatawid sa may Commonwealth Avenue, lungsod Quezon, kahapon
Ayon sa pulisya, inilarawan ang nasawi na nasa edad na 35-40, may taas na 5’4â€, at nakasuot lamang ng itim na short pants.
Ang biktima ay agad na nasawi sa insidente na nangyari sa may Katipunan AvenueÂ, Brgy. Escopa, pasado alas-4 ng madaling-araw.
Kinilala naman ang driver ng sasakyang nakabangga na si Joselito dela Agua, 51, ng Fairmont Subdivision, North Fairview, sa lungsod.
Nabatid na minamaneho ni Dela Agua ang kanyang Hyundai Getz (PJQ-831) sa kahabaan ng Katipunan Avenue at patungong Commonwealth Avenue mula E. Rodriguez Sr. Avenue nang biglang sumulpot ang biktima at mabundol niya ito.
Agad namang rumesÂponde ang rescue team mula sa Department of Public Order and Safety (DPOS) sa lugar pero patay na rin ang biktima dahil sa tinamong injuries sa katawan.
Bago ang insidente, madalas umanong nakikitang tumatawid ang biktima sa Katipunan Avenue at pinaniniwalaang maysakit sa pag-iisip.
Ang labi ng biktima ay dinala na sa Prime Funeral Parlor para sa kaukulang disposisyon.