MANILA, Philippines - Isang bagong silang na sanggol na pinaniniwalaang pinatay ng walang pusong ina ang natagpuan sa baÂsurahan malapit sa covered court sa Brgy. Matandang Balara sa Quezon City kaÂhapon ng umaga.
Nakakabit pa ang pusod at inunan nang makita ng mga basurerong sina Rollie Abon at Jimmy Causa ang sanggol na lalaki na nakaÂkahon sa garbage bag.
Ayon kay PO2 Anthony Tejerero ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City PNP, sinasabing may balot ng itim na damit at may busal na pulang underwear ng babae ang bibig ng sanggol nang madiskubre.
“May busal na panty na pula sa bibig, kaya poÂsibleng buhay pa ang sanggol nang ilabas sa sinapupunan ng ina,†pahayag ni PO2 Tejerero.
Sabi pa ni Tejerero, hindi naman nila tiyak kung ang pulang panty sa bibig ng sanggol ang ugat para mamatay ito dahil walang nakakita sa nasabing pangyayari.
“Wala kasi tayong eyewitness, pero posible ’yun ang dahilan kaya siya namatay. Posible rin kasi na binusalan lang para hindi marinig ang iyak, pero sabi ng nakadiskubre ay fresh pa ang sanggol noong makita nila,†dagdag pa ni Tejerero.
Ganap na alas-6:30 ng umaga nang matagpuan nina Abon at Causa ang sanggol habang nangaÂngalalakal ng basura.
Dahil nakasilid sa itim na garbage bag ang kahon, inakala ng dalawa na kalakal ang laman nito na maaaring pakinabaÂngan pero pagbukas nila sa kahon ay bumulaga ang kalunus-lunos na kaÂlagayan ng sanggol.