23 tripulante nasagip sa karagatan

MANILA, Philippines - Naisalba ang 23 tripulante ng cargo vessel ma­ tapos masiraan ng makina habang naglalayag sa hilagang kanlurang bahagi ng Dasalan group of Island sa Basilan kamakalawa.

Sa ulat na nakarating sa PCG-Action Center sa Maynila, nakatanggap ng distress signal mula kay Capt. Seme Fuentes ng M/V Ladylyn hinggil sa aberya sa makina ng cargo vessel noong Huwebes ( February 7) kaya rumesponde ang mga ta­uhan ng Phil. Coast Guard lulan ng dalawang barko

Ayon kay PCG spokesman Lt. Commander Ar­mand Balilo, nawalan ng kontrol at namatay ang makina sa gitna ng pag­lalayag ang nasabing barko kaya sumadsad ito sa nasabing isla,

Napag-alamang kargado ang barko  ng tone-toneladang semento.

 

Show comments