P50K payola sa pulis-Pasay inalmahan

MANILA, Philippines - Inalmahan ng mga may-ari ng establisamento ang sinasabing P50K kada buwang hinihingi ng mga ta­u­han ng Special Ope­ration Unit ng Pasay City PNP bilang payola para ‘di mabulabog ang panggabing ne­gosyo. 

Ito ang ipinaabot sa Pilipino Star NGAYON ng mga nagnenegosyo para mapag-ukulan ng pansin ng pamunuan ng National Capital Re­­gional Police Office (NCRPO).

Isiniwalat din ng mapagkakatiwalaang source na ginagamit ng mga tiwaling opis­yal sa himpilan ng pulisya ang isang alyas Allan Espeleta bilang kolektor sa mga establisamentong panggabi partikular sa kahabaan ng Roxas Blvd.

Sinasabing si Espeleta na nagpapa­ kila ring kolektor ng Southern­ Police District (SPD) ay dating pulis-Crame na sinibak dahil sa pamemeke ng dokumento may ilang taon na ang nakalipas.

Nabatid din na si Espeleta ay sinasabing kumukulekta ng mala­king halaga bilang pa­yola sa mga lungsod ng Parañaque, Las Piñas, Taguig, Muntinlupa at Makati.

Ayon pa sa source,  ang P50K na payola kada buwan ay bilang pro­ teksyon sa mga panggabing negosyo sa­kaling may matin­ding problema laban sa ibang yunit ng kapulisan.

“Kapag nagpatuloy ang kalakaran ng ilang opisyal ng pulisya sa sinasabing mala­king ha­laga ng payola, mapipilitang kaming magsara o kaya lumipat ng ibang lugar,” pahayag ng ilang negosyante na tumangging isiwalat ang kanilang pagkaka­kilanalan.

 

Show comments