Driver dedo sa ligaw na bala

MANILA, Philippines - Maagang sinalubong ni kamatayan ang 31-anyos na tricycle driver matapos tamaan ng ligaw na bala ng baril ng isang barangay tanod sa lamayan sa Barangay Pinagbuha­ tan, Pasig City kamakalawa ng gabi.

Nasawi habang ginagamot sa Pasig City General Hospital ang biktimang si Joselito De Jesus ng No. 5834 Riverside sa nasabing barangay.

Tinutugis naman ng pulisya ang suspek na si Michael Sedico, hepe ng barangay ta­nod sa nabanggit na lugar.

Sa inisyal na im­bestigasyon nina SPO1 Romeo Tanguilan at PO3 Rolando Anselmo Jr., nakikipaglamay ang biktima sa burol ng namatay nitong ka­ibigan nang mapadaan ang suspek habang nag­ papatrulya.

Gayon pa man, big­lang bumagsak ang baril ng suspek kung saan pumutok at ti­na­maan ng ligaw na bala ang biktima kung saan mabilis namang tumakas ang suspek bitbit ang baril.

 

Show comments