Jailbreak: 5 kabataan pumuga

MANILA, Philippines - Limang kabataang in­mates sa kulungan ng Department of Social Welfare Development (DSWD) sa Valen­zuela City ang nakapuga ma­tapos wasakin ang kandado sa rooftop ng gusali sa Barangay Ca­numay West kamakalawa ng gabi.

Kabilang sa limang preso na may edad 14 hanggang 17 na kasalukuyang tinutugis ng mga awtoridad ay si Erwin Guevarra, 19,  ng San Andres St., Barangay Malanday na may kasong theft.

Sa ulat ng Valen­ zuela City PNP, dakong alas-8:10 ng gabi nang makarinig ng kalabugan sa roof top ng Bahay Kalinga ang mga guwar­diya kaya inusisa nila.

Dito na namataan ang lima na patakas su­balit ang tatlong iba pa ay napigilan sa pagpuga.

Nabatid na ang mga nakapuga ay may naka­binbing kasong robbery at attempted homicide.

 

Show comments