Away-kasintahan: Nurse nagbigti sa aparador

MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang dinamdam ng 23-an­yos na nurse ang pag-aaway nila ng kanyang boyfriend kaya nagdesisyong itong magbigti sa kanilang bahay sa Barangay Masagana, Quezon City kahapon ng umaga.

Bandang alas-6:10 ng umaga nang madis­kubre ang nakabiting ka­tawan ni Eufrocina Amor Agustin na nasa loob ng aparador.

Ayon kay PO3 Erickson Isidro, ang biktima ay bagong nurse pa lamang sa Quirino Memorial Medical Center.

Sa ulat ni P/Insp. Elmer Monsalve, hepe ng Homicide Section, ang biktima ay mayroon ding sugat sa kanang pulso maliban sa bakas ng lubid sa leeg.

Napag-alamang tina­tawag ng ama ang bik­ tima para mag-almusal pero hindi sumasagot kaya nagpasya itong pun­­tahan sa kuwarto.

Subalit naka-lock ang kuwarto kaya ginamit ang reserbang susi at nadiskubre ang biktimang nakabitin.

Huling namataang buhay ang biktima na nakikipagtalo sa kanyang syota noong Miyerkules ng gabi bago ito mag-suicide.

Ayon sa pamilya, wala rin umanong ideya ang mga magulang ng biktima kung ano ang pinagtalunan ng magka­ sintahan.

 

Show comments