^

Metro

Ateneo student, hulog mula 12th floor, lasog

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay  ang isang 2nd year high school student  ng Ateneo de Manila University (ADMU)  nang mahulog mula sa ika-12 palapag ng isang condo­minium unit sa Sta. Mesa, Maynila,  kamakalawa ng hapon.

Dead-on-arrival sa Lourdes Hospital ang biktimang si Joseph  Emmanuel, 13- anyos, at residente ng Unit 1403,  Ilumina Residence  sa P. Sanchez St., Sta. Mesa.

Sa ulat ni SPO2 Ronald Gallo ng MPD-Homicide Section,  dakong alas-5:14 ng hapon nang maganap ang insi­dente sa terrace ng Unit 1207, Ilumina Residence sa 46 P. Sanchez Sta. Mesa.

Ayon sa salaysay ni Korine Vitug, 12, estudyante at residente sa nasabi ring condominium, nakita nila ang biktima na naglalakad sa ibabaw ng terrace.

Bukod kay Vitug, pinagbawalan din ng isang Mely Villafrancia, 60, housemaid sa Unit 105, ang biktima na huwag  maglaro sa ibabaw ng terrace dahil baka ito mahulog subalit hindi umano nakinig ang biktima at  nagpatuloy na naglakad nang pabalik-balik.

Hindi pa nagtatagal ay nakitang nakalambitin na sa iron grills ang biktima, kaya nagtangkang tulungan ni Vitug  at kaibigang si Joseph Yap ang biktima upang huwag mahulog, subalit hindi nila makayanan ang bigat nito hanggang sa nangawit umano ang biktima  kaya nakabitaw sa pagkakahawak hanggang sa bumulusok sa ground floor.

Agad namang isinugod ang biktima sa ospital subalit hindi na ito umabot ng buhay sanhi ng pagkakabali-bali ng katawan.

Patuloy pa rin ang isina­saga­wang imbestigasyon sa insidente.

BIKTIMA

HOMICIDE SECTION

ILUMINA RESIDENCE

JOSEPH YAP

KORINE VITUG

LOURDES HOSPITAL

MANILA UNIVERSITY

MELY VILLAFRANCIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with