MANILA, Philippines - Isang kagawad ng Manila Police District (MPD) ang tinutugis at isa pang siÂbilyan sa pagtangay ng isang motorsiklo, habang ang isa pang kasamahan ay arestado sa isinagawang follow-up operation sa Sta. Mesa. Maynila, kamakalawa ng gabi.
Nakapiit sa MPD-Anti Carnapping Unit (ANCAR) ang suspect na si Jonjon Dela Cruz, 36, ng no. 2202 Anonas St. Sta. Mesa, MayÂnila habang pinaghahanap ang isang PO1 Oliver Sanghel, dating nakatalaga sa MPD-District Headquarters Support Unit (DHSU), na napag-alamang matagal nang awol (absent without official leave) at isang kilala sa alyas na “Arnelâ€.
Ayon kay Melvin Naco, 26, triÂcycle driver, ng no. 369 VaÂlencia St., Sta Mesa, ang tatlo ang tumangay ng kanyang motorsiklo na kinalas pa umano ang sidecar nito habang nakaparada sa tapat ng Kangaroo internet shop, na pag-aari ng kanyang pinÂsan na si Barry Naco, dakong ala-1:00 ng hapon niÂtong nakalipas na Sabado.
Sinabi ni Barry na sinita pa niya si Dela Cruz nang makitang kinakalas ang kulay itim na motorsiklo na may plakang 2382 UA at tiÂÂnawag ang pinsan na si Melvin suÂbalit iginiit ng mga suspect na kanila ang motorsiklo.
Habang hatak-hatak ng mga suspect ang motorsiklo ay umeksena umano ang nagÂÂpakilalang si PO1 Oliver Mendoza, na nang beripikahin ay PO1 Oliver Sanghe, na nagsabi pa umanong “bakit ano ang problema niyo, kay Botyok (Dela Cruz) ito†at sabay nagpakita pa ng mga dokumento at mabilis na tumakas.