Ex-tanod timbog sa pang-aagaw ng cellphone

MANILA, Philippines - Kalaboso ang  isang- 28 anyos na dating barangay tanod at sinasabing adik sa droga nang mang-agaw ng cellphone ng isang 14-anyos na dalagita, sa Baseco, Port  Area,. Maynila, kamakalawa ng hapon.

Itinurn-over na sa tanggapan ng Manila Police District-Women and Children Protection Desk  ang suspect na  si Mark Caga, 27, residente ng Block 5 Extension, Baseco Compound, Port Area.

Sa ulat, dakong  alas-3:00 ng hapon nang abangan at tutukan  ng matulis na  bagay ng suspect ang  dalagitang si Jenny, at pilit na inaagaw ang cellphone na hiniram lamang umano ng biktima sa kaklase.

Narekober ang cellphone ni Jenny ng mga tauhan ni Barangay Chairman Kris Hispano, ng  Brgy. 649 Zone 68.

Ipaghaharap na ng kasong robbery-snatching ang suspect sa City Prosecutor’s Office ng Maynila.

 

Show comments