MANILA, Philippines - Hindi pa man nareÂresolba ang naganap na panghoholdap sa isang money remittance company sa Parañaque City, isa na namang pawnshop na meron ding money remittance ang pinasok ng isang grupo ng mga suspect kung saan dumaan sa tunnel ang mga ito kahapon ng umaga sa Valenzuela City.
Ayon kay Valenzuela City Police chief of police, Senior Superintendent Roderick Armamento, poÂsibleng dakong ala-1:00 hanggang alas-4:00 ng umaga isinagawa ang panÂloloob ng hinihinalang grupo ng ‘Acetylene Gang’ sa isang saÂngay ng Cebuana Lhuillier Pawnshop na matatagpuan sa MacArthur Highway, Brgy. Dalandanan,Valenzuela.
Kinaumagahan ay saka lamang nadiskubre ng guwardyang naka-duty ang naganap na panloloob sa pawnshop matapos makita rito ang isang malaking butas.
Ayon sa pulisya, humukay ng maÂlalim ang mga suspek at dumaan ang mga ito sa tunnel hanggang sa nakapasok sa nabanggit na establisimiyento.
Natangay ng mga suspek ang mga pera, alahas at mahahalagang kagaÂmitan ng naturang pawnshop at inaalam pa ng pulisya kung magkanong halaga ang nawala rito.
Ayon kay Armamento, sinusuri nila ang footage na nakuhanan ng CCTV para posibleng makilala ang mga suspek.