MANILA, Philippines - Isang lalaki na matagal nang wanted sa batas dahil sa kasong pagpatay sa isang barangay captain sa probinsya ng Antique noong 2005 ang naaresto ng mga ope ratiba sa lungsod Quezon kahapon ng umaga.
Si Noel dela Cruz, 39, ay nadakip sa may Barangay Commonwealth sa bisa ng arrest warrant na inisyu ng korte sa bayan ng San Jose, Antique.
Ang suspect ay itinuring na most wanted sa kanyang bayan at pang-apat sa most wanted sa buong probinsya.
Ang walang trabahong si Dela Cruz ay nagtago sa batas sa loob ng anim na taon dahil sa umano’y pagpatay sa Barangay Chairman ng Mojon na si Romeo Moscos noong 2005.
Ang suspect ay naaresto matapos na magtungo sa BaÂtasan police station ang complainant para hilingin na isilbi ang arrest warrant na inisyu ni Judge Rufy Castrojas ng San Jose Regional Trial Court Branch 12 kaugnay sa kaso ng pagpatay kay Moscos.
Nang i-tsek ng mga opeÂratiba sa Antique provincial police office ay napatunayan ni Pranada na ang suspect ay nagtatago sa kanyang bahay sa Bato Bato St. sa Brgy. Commonwealth.