MANILA, Philippines - Patay ang isang 15-anyos na nene na sinasaÂbing buntis matapos masaÂgasaan ng isang sports utiÂlity vehicle (SUV) habang tumatawid sa kahabaan ng Commonwealth Avenue, lungÂsod Quezon, kaÂhapon ng madaling-araw.
Ayon sa pulisya, nakiÂlala ang nasawi na si DaÂnica Balbuena, residente sa KaunlaÂran St., Brgy. Commonwealth sa lungsod.
Si Balbuena ay nasawi matapos na masagasaan ng isang Nissan X-trail (OIQ-777) na minamaneho ng isang Valeriano Ponce, 55, sa harap ng Commonwealth Market sa Commonwealth Avenue dakong ala-1 ng maÂdaling-araw.
Nagawa pang maitakbo sa Veterans Memorial MeÂdical Center ang biktima pero idineklara din itong dead on arrival.
Sa imbestigasyon, tinatahak ng saÂÂsakÂyan ni Ponce ang south-bound lane ng Commonwealth AveÂnue, nang pagsapit sa naÂturang lugar ay bigla na lamang umanong sumulpot ang biktima.
Kuwento naman ng mga kaibigan ng biktima, magkakasama silang tumatawid sa lugar nang biglang humaÂrurot ang sasakyan papunta sa kanilang direksyon at maÂsagasaan ito.
Sa lakas ng impact, naÂyuÂpi ang unahang bahagi ng SUV kung saan nagpagulung-gulong pa umano ang biktima saka umuntog ang ulo sa kalsada at nawalan ito ng ulirat.
Huminto naman ang SUV saka itinakbo sa naturang ospital ang biktima pero idiÂneklara din itong dead on arrival.
Ayon kay Edward Tudao, traffic aide ng PS5, base sa testimonya ng kinasama ng dalagita kinumpirma umano nitong buntis ang nasawi, subalit hindi naman nila matukoy kung ilang buwan na ang dinadala nito sa kanyang sinapupunan.
Patuloy ang imbestigasÂyon ng QC Traffic Sector 5 sa insidente.