Kelot nilipad ang underpass, todas

MANILA, Philippines - Isang lalaki ang nagpakamatay sa pamamagitan ng pagtalon sa underpass bago tuluyang nasagasaan ng isang sports utility vehicle (SUV) sa lungsod Quezon, iniulat kahapon.

Ayon kay PO2 Rhic Pittong, hindi pa nakikilala ang biktima na may taas na 5’4’’, nakasuot ng kulay green na t-shirt at nasa pagitan ng edad na 30-35-anyos.

Naganap ang insidente dakong ala-1:30 ng madaling-araw sa may underpass ng Min­danao Avenue Extension sa Quirino Highway, Brgy. Talipapa.

Sinasabi ng ilang testigo na bigla na lamang umanong tumalon ang biktima mula sa railings ng Quirino Highway, saka bumagsak north-bound lane ng Mindanao Avenue kung saan siya nasagasaan ng rumaragasang Mitsubishi Montero na hindi naplakahan.

Sa kabila nito, hindi huminto ang SUV at iniwan na lang nakabulagta sa kalye ang nasabing biktima.

 

Show comments