MANILA, Philippines - Isang 26-anyos na dalaga ang nasawi makaraang tumungga ng isang bote ng silver cleaning solution kahapon ng madaling araw sa lungsod ng Navotas.
Dead-on-arrival sa Tondo Medical Center si Carlota Aure, 26, ng Brgy. North Bay BouleÂvard South, ng naturang lungsod.
Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon ng Navotas City Police, dakong alas-12:10 ng madaling- araw habang ang biktima kasama ang iba pang mga kaanak at mga kaÂibigan ay nag-iinuman sa kanilang bahay sa nabanggit na lugar.
Biglang nagpaalam ang dalaga na pupunta ng banyo at makalipas ang ilang sandali ay bumalik ito sa umpukan.
Subalit hindi pa nagtatagal ay bigla na itong nabuwal, nagsusuka at namimilipit sa sakit ng tiyan na naging dahilan upang dalhin ng kanyang mga kaanak sa nabanggit na ospital, subalit hindi na ito umabot ng buhay
Nakarekober ang mga pulis ng isang botelya ng silver cleaning solution na posibleng ginamit nito para kitlin ang sariling buhay. Habang sinusulat ang balitang ito ay inaalam na kung may naganap na foul play sa pagkamatay ng biktima.
Wala namang alam na dahilan ang kanyang mga kaanak kung bakit kailangan nitong kitlin ang buhay.