^

Metro

Lalaki binigti sa bubong ng LRT

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang hindi pa kilalang lalaki ang natagpuang binigti sa bubong ng  Light Railway Transit (LRT) sa Paco, Maynila kahapon ng madaling-araw.

Inilarawan ang biktima na nasa edad 35-40, may tattoo ng mukha ng babae sa kanang dibdib at pangalang Diango Pedoy sa kaliwang dibdib.

Sa report ni Det. Jonathan Bautista ng MPD-Homicide Section, dakong alas-2 ng madaling-araw nang madiskubreng patay ang biktima sa bubong na sakop ng pasilidad ng LRTA  1 sa Pedro Gil Station, Paco, Maynila.

Nagsasagawa umano ng roving inspect­ion ang isang guwardiya ng LRTA nang mapansin nito ang nakabulagtang katawan ng isang lalaki sa bubong na sakop ng LRT dahilan kung kaya’t  ipinagbigay-alam sa pulisya.

Hinala ng pulisya, bukod sa binigti ito ng sinturon, posible ring tinubo ang biktima kung saan narekober ang mga duguang PVC pipe. Wala namang makapagbigay ng impormasyon sa pagkamatay ng biktima na pinaniniwalaang  dayo lamang sa lugar.

vuukle comment

DIANGO PEDOY

HINALA

HOMICIDE SECTION

INILARAWAN

ISANG

JONATHAN BAUTISTA

LIGHT RAILWAY TRANSIT

MAYNILA

PEDRO GIL STATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with