Away ng anak, ama ang napatay

MANILA, Philippines - Patay ang isang ama habang nasa kritikal na kondisyon ang anak nito matapos pagsasaksakin ng kanilang  kapitbahay sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Dead-on-arrival sa pagamutan ang biktimang si Roberto Sugdang, 52, ng Julian Felipe St., ng nabanggit na lungsod habang ginagamot naman ang anak nitong si Ronaldo Sugdang, 21, na nagtamo rin ng saksak sa ulo at katawan. Hinahanting na ng mga pulis ang tumakas na suspek na si Rodolfo Tumalad, 25, kapitbahay ng mag-ama.

Batay sa ulat ng Caloocan City Police,  naganap ang insi­dente dakong alas-8:00 kagabi, malapit sa bahay ng mag-amang biktima nang magkaroon ng mainitang pagtatalo si Ronaldo at Tumalad, na naging dahilan upang sandaling umuwi ang suspek at ilang sandali ay bumalik na armado na ng patalim. Agad nitong inatake ng saksak ang batang Sugdang. Nakara­ting ang insidente kay Roberto kaya agad nitong pinuntahan ang anak,  subalit sinalubong siya ng saksak ng suspek at siya ang napuruhan. Mabilis na tumakas ang suspek habang isinugod ang mag-ama sa naturang pagamutan, subalit hindi na umabot ng buhay ang matandang Sugdang. Iniimbestigahan pa ng pulisya ang insidente.

 

Show comments