MANILA, Philippines - Bangkay na nang matagpuan ang katawan ng isang dermatologist matapos na pagsasaksakin ng hindi nakikilalang salarin sa loob ng kanyang tinutuluyan sa lungsod Quezon, kahaÂpon ng maÂdaling-araw.
Si Dr. Russel Fritz SaliÂganan, 32, binata, ay naÂtagÂpuan na lamang walang buhay ng kanyang kapitbahay habang nakahandusay sa loob ng kanyang tinutuluyang Unit 32, F2 2nd Floor, Bantay St., Brgy. Kaunlaran sa lungsod ganap na alas-12 kagabi.
Sa ulat ni SPO1 Jogene Hernandez, natagpuan ang biktima ng isang Teresa RoÂmero, matapos na mapuna nito na bukas ang ilaw sa loob ng kuwarto nito.
Dala ng kuryusidad, nagpasyang suÂmilip sa bintana si RoÂmero kung saan nakita nitong nagkalat ang dugo sa loob.
Agad na ipinagbigay-alam ni Romero ang nakita sa awtoÂridad kung saan natuklasan ang walang buhay na biktima.
Ayon sa residente, bago ang pangyayari, nakarinig umano sila ng mga kalabog mula sa kuwarto ng biktima, pero hindi nila ito pinakiÂalaman hanggang sa kusang nawala ang ingay mula rito.Sabi ni Hernandez, posibleng nanÂlaban ang biktima sa suspect dahil sa mga nakitang sugat sa braso nito na indikasyon na sinangga nito ang pananaksak.Patuloy pa ring iniimbestigahan ang insidente habang blangko pa ang pulisya sa motibo sa naganap na krimenÂ.