MANILA, Philippines - Dahil sa pagnanais ng mga deboto na makahawak sa imahe ng Itim na Nazareno, nasira ang kaÂlaÂhating bahagi ng sinag na disenyo sa korona nito habang paÂtuloy ang prusisyon paÂtungong Quiapo church.
Nabatid na umabot ng 18 oras ang itinagal ng prusisÂyon hanggang sa tuluyang maipasok dakong ala-1:30 ng madaling-araw ang Itim na Nazareno sa loob ng simbahan ng Quiapo.
Ayon sa mga “hijos†o taga-hila ng lubid sa andas ng Nazareno nawala ang bahagi ng korona sa prusisyon dahil na rin sa pagpupunas at paghawak ng mga deboto.
Isa umano sa tatlong sinag ng korona ang natapyas habang inilalakad sa prusisyon ang Nazareno kamakalawa. Huli na umano nang mapansin na natapÂyas ang korona ng NaÂzareno.
Alas-2 ng hapon kahapon nang makita at maibalik ang nawalang sinag sa korona ng Nazareno.