^

Metro

Flight steward nagbigti

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dala umano ng labis na depression bunga ng pagkakahiwalay sa kanyang asawa, isang flight steward ang nagbigti sa loob ng sto­rage room ng kanyang tinutuluyan sa lungsod Quezon, ayon sa pulisya kahapon.

Si Albert Guidote, 45, ay natagpuan na lamang walang buhay habang nakabitin gamit ang electrical cord sa naturang lugar ni Delfin Tamayo, maintanance officer, ganap na alas-8:30 ng umaga

Ayon kay PO2 Julius Cesar Balbuena, imbestigador sa kaso, kukuha sana ng hagdan na magagamit si Tamayo nang mapuna nito sa storage room ang biktima habang nakabigti. 

Matatagpuan ang naturang storage room sa mismong bahay ng biktima sa Vancouver St., Filin­vests 1, Batasan hills sa lungsod.

Pinaniniwalaang depres­yon ang sanhi nang pagpakamatay matapos mahiwalay sa asawa at nagpapagamot ito sa isang psychiatrist. Bukod dito, may mga previous attempt na insidente rin anya ito ng tangkang pagpapakamatay sa pamamagitan ng pagkulong sa isang sasak­yan para ma-suffocate, su­ba­ lit napigilan lamang.

Samantala, huling nakitang buhay ang biktima no­ong Martes ng umaga ha­bang nakikipaglaro sa kanyang aso.

Patuloy ang pagsisiyasat ng pulisya sa nasabing insi­dente.

vuukle comment

AYON

BATASAN

BUKOD

DALA

DELFIN TAMAYO

JULIUS CESAR BALBUENA

SHY

SI ALBERT GUIDOTE

VANCOUVER ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with