2 bata nalunod sa ilog

MANILA, Philippines - Isa sa dalawang bata ang iniulat na  nalunod habang na­liligo sa ilog nitong Linggo ang natagpuang bangkay, habang ang isa ay pinaghahanap pa ng awtoridad sa lungsod Quezon, ayon sa ulat ng pulisya kahapon.

Ayon sa pulisya, tanging ang katawan ng batang si Melvin Genodia, 12, ang natagpuan sa may San Mateo River,  Brgy. Bagong Silangan kung saan ito naninirahan.

Patuloy namang pinag­ha­hanap ang kalaro nitong si Wency Puracan, 10, na sinasabing kasama sa nawala sa nasabing ilog.

Ayon kay SPO1 Eric Lazo, imbestigador, ang dalawang bata ay pinaniniwalaang na­lunod habang naglalangoy sa Tumana noong Linggo. Kapwa­ residente ng Mapayapa Compound, Sitio Cle­mencia, Brgy. Bagong Sila­ngan ang mga biktima.

Gamit ang balsang kawayan ay masayang naligo ang dalawang bata, hanggang sa hindi na umano naka­uwi ang mga ito. Patuloy ang paghahanap ng awtoridad sa katawan ng biktimang si Puracan.

 

Show comments