Nicole, ibuburol sa kanyang paaralan

MANILA, Philippines - Bago ilibing, ibuburol muna ang labi ni  Stephanie Nicole Ella, 7, sa kanyang pinapasukang eskwelahan sa Caloocan City sa dara­ting na Biyernes, Enero 11.

Ito ay bilang kahilingan ng principal at mga guro ng Tala Elementary School, na kung saan dito nag-aaral ang batang si Nicole.

Lubhang nagluluksa ang mga guro, kaklase at kaibigan ni Nicole  kasabay ng panghihinayang lalo pa’t ipinakita  nito ang kanyang talino at galing sa pag-aaral.

Nais ding ipakita ang na­ging epekto ng walang pa­kundangang pagpapaputok ng baril noong Bagong Taon.

Ayon sa mga magulang ni Nicole,  pansamantalang ililipat ang burol sa eskwelahan ng kanilang anak.

Pagsapit ng  gabi ay dadalhin ang labi nito sa the Lord’s Flock Sanctuary Church sa Tala at mananatili itong  nakaburol ng magdamag bago ili­bing kinabukasan, araw ng Sabado sa Sanctuario de Paz sa Norzagaray, Bulacan.

 

Show comments