Bus vs taxi: 4 sugatan

MANILA, Philippines - Apat katao ang sugatan matapos salpukin ng isang pam­pasaherong bus ang isang taxi sa North Luzon Expressway (NLEX) sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.

Ginagamot sa Montefalco Hospital sanhi ng naging pinsala sa katawan ang mga bik­timang sina Toto Almada;  Analiza Garbida; Gerald King mga pasahero ng Airport Taxi at isang hindi pa nakilala na pasahero ng San Trans bus.

Ayon sa pahayag sa Va­lenzuela City Traffic Bureau  ng taxi driver na si Regalado Siasat, nabatid na dakong alas-11:00 ng gabi, palabas na siya ng expressway patu­ngong Valenzuela nang banggain ng San Trans bus ang likurang bahagi ng kanyang sasakyan.

Nabatid, pa sa report, agad na tumakas ang driver ng bus na kinilalang si Victor Caringal. Patuloy na iniimbestigahan ang nasabing insi­dente.

 

Show comments