^

Metro

Lalaki lasog sa hit and run

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang hindi naki­kilalang lalaki matapos na ma-hit-and-run ng isang taxi sa may B. Serrano Avenue, sa lungsod Quezon kahapon ng madaling-araw.

Isinalarawan ni PO3 Perlito Datu ng Quezon City Police Traffic Sector 3 ang biktima sa edad 35-40, may suot na puting t-shirt at itim na shorts.

Ayon kay Datu, patuloy pa nilang inaalam ang sinasabing taxi na nakabundol sa biktima na biglang nawala matapos ang insidente na naganap sa  kahabaan ng Col. B.Serrano Avenue, Brgy. Bayanihan ga­nap na ala-1 ng madaling- araw.

Sinasabing papatawid ang biktima sa lugar nang biglang dumating ang isang taxi na mula sa direksyon ng EDSA patungo sa Katipunan Avenue at biglang binundol ang una.

Sa kabila nito, hindi man lamang huminto ang driver ng taxi, sa halip matuling pinaharurot niya ito papalayo.

Ayon pa sa nakasaksi, sa lakas ng pagkakabunggo, tumilapon ang biktima saka humandusay sa kalye na duguan at namatay noon din. Gayunman, itinakbo pa rin ito ng mga barangay tanod sa East Avenue Medical Center pero idineklara na itong patay.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa nasabing in­sidente.

 

AYON

BAYANIHAN

BRGY

DATU

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

GAYUNMAN

KATIPUNAN AVENUE

PERLITO DATU

QUEZON CITY POLICE TRAFFIC SECTOR

SERRANO AVENUE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with