^

Metro

Jeepney driver itinumba

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nasawi ang isang jeepney driver makaraang barilin ng isang hindi pa  kilalang lalaki habang umiinom ang biktima ng kape malapit sa pila ng jeep sa Pasay City, kahapon ng madaling-araw.

Hindi na umabot pang buhay sa Pasay City General Hospital ang biktimang nakilalang si Marlon Arroyo, 41 at naninirahan sa Brgy. San Dionisio, Dasmariñas, Cavite.

Sa ulat ng Pasay City Police, naganap ang pamamaril dakong alas-2 ng madaling araw sa tapat ng isang maliit na kainan sa kanto ng Redemptorist St. at Roxas Boule­vard.  Nabatid na nagkakape ang biktima nang lapitan ng suspect na bigla na lamang bumunot ng baril.

Nakatayo pa umano ang biktima at nagtangkang umiwas ngunit agad itong napaputukan kaya tinamaan sa sikmura at tumagos ang bala hanggang sa likuran.  Mabilis namang tumakas ang salarin makaraan ang pamamaril.

Sa imbestigasyon, una nang may nakasagutan ang biktima sa pilahan ng jeep sa Baclaran na may mga rutang Paliparan, Dasmariñas, Cavite.

Inaalam ngayon ng pulisya kung may kinalaman ang naturang insidente at ang nakasagutan nito sa naturang pamamaslang.

 

vuukle comment

BACLARAN

CAVITE

DASMARI

MARLON ARROYO

PASAY CITY

PASAY CITY GENERAL HOSPITAL

PASAY CITY POLICE

REDEMPTORIST ST.

ROXAS BOULE

SAN DIONISIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with