Problemadong bading, nag-suicide

MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang problemado ang 25-anyos na bading­ na sinasabing naka­tampuhan ang kanyang ‘Papa’ makaraan itong magbigti kahapon ng madaling-araw sa Malate, Maynila.

Natagpuang nakabitin  ang biktimang si Marlon “Nicole” Donios, tubong Catbalogan, Samar

Sa ulat na isinumite ni Det. Jose Gumilan kay P/Senior Insp. Ismael dela Cruz, hepe ng Manila Police District-Crime Against Persons Investigation  Section, nadiskubre ang bangkay ng biktima  sa ika-2 palapag ng bahay sa #750 Noli Street sa Malate.

Nauna rito, bandang alas-12 ng hatinggabi matapos ang pagsalubong sa Bagong Taon, naisipan ng biktima na magtungo sa nasabing lugar upang ipagpatuloy nito ang pakikipag-inuman.

Ayon sa pulisya, lango na sa alak si Donios  nang umakyat na ito sa itaas ng nasabing bahay kung saan sinasabing nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan  ang biktima at ang umano’y boyfriend nito kaya ipinasya na lamang ng biktima na tapusin ang buhay.

Show comments