Obrero todas sa atake sa puso

MANILA, Philippines - Posibleng inatake umano sa puso dahil sa init ng ekse­nang pinapanood ang isang obrero na natagpuang walang buhay sa loob ng barracks nito, kamakalawa ng gabi sa Taguig City.

Nakilala ang nasawi na si Edwin Facultad, 42, stay-in construction worker sa ABS Telecom Industry, 4th Street, Manalac Estate, Brgy. Bagumbayan, ng naturang lungsod at tubong Libon, Albay.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-10:30 kamakalawa ng gabi nang tumawag sa Public Order and Safety Office­ (POSO) ang mga kasamahan sa trabaho ng biktima.  Agad namang iniulat ito ng POSO sa Taguig Police at agad na rumesponde sa lugar.

Ayon sa imbestigador, nakasalang pa sa DVD player ang isang Triple X rated na pelikula nang kanilang madatnan habang sapo naman ng biktima ang dibdib nito.

Sa pagsisiyasat, posibleng inatake sa puso ang biktima habang nasa kasarapan ng panonood ng adult movie­.

 

Show comments