MANILA, Philippines - Hinikayat kahapon ng isang grupo ng Filipino Overseas na huwag maging “colonial mentality” at sa halip ay tangkilikin ang sariling produkto at kakayahan ng mga Pilipino upang higit na umunlad ang bansa at kilalanin ito sa buong mundo sa larangan ng medisina at science.
Ayon sa Diaspora Globetek Pro, isang non-government organization, handa silang tumulong sa pamahalaan upang maibsan ang problema ng unemployment at hindi na mangingibang bansa, higit na kilalanin ang Pilipinas sa buong mundo sa larangan ng modernong medisina at science at madagdagan ang mga Pinoy scientist.
Ang Diaspora Globetek Pro ay pinamumunuan nina Dr. Samuel D. Bernal, isang scientist, eksperto sa medical oncology, molecular biologist, chemist at isang abogado at isang Presidential Awardee for Filipino and Organizations Overseas; Atty. Ted Laguatan at Atty. Loida Nicolas-Lewis, pawang mga Immigration lawyer.
Ayon kay Bernal, handa ang kanilang organization na tulungan ang mga Pilipino at pamahalaan sa pamamagitan ng pamamahagi nila ng kanilang talino sa larangan ng medisina, science, modernong teknolohiya, maging eksperto sa batas at mapaunlad ang kabuhayan sa pamamagitan ng turismo.