2 salvage victim, isinilid sa garbage bag

MANILA, Philippines - Dalawang bangkay ng mga hinihinalang biktima ng salvage ang natagpuang tadtad ng saksak at napapalu­putan ng packaging tape ang katawan habang nakasiksik sa isang itim na garbage bag sa loob ng University of the Philippines (UP) sa lungsod Quezon kahapon.

Isinalarawan ang isa sa pagitan ng edad 45-50, may taas na 5’3, may tattoo sa kanang balikat na “Jojo Austria­ at “Commando” sa li­kuran at imahe ng babae at “Sige-sige” sa kanang hita. Nakasuot ito ng kulay dilaw na shirt at asul na maong short pants. Ang isa naman ay nakasuot ng brown shirt at kulay asul na checkered short pants, may taas na 5’1’’, nasa pagitan ng 45-50 ang edad, may tattoo ng “Mon­ching Love Maurine” sa kanang balikat, “Rey Mary” sa kaliwang balikat, “Totoy”sa likurang katawan at “Sputnik” sa kanang hita.

Ang bangkay ng mga biktima ay natagpuan sa loob ng UP Campus, partikular sa Pook Arberetum, ganap na alas-5 ng madaling-araw.

Bago ito, naglalakad umano ang isang Jerson de Gamo sa naturang lugar nang makita niya ang nasa­bing garbage bag na nakaba­landra dito. Nang kanyang tingnan ang laman­, nagulat na lang si De Gamo nang lumitaw ang duguang katawan ng mga biktima.

May mga saksak rin sa buong katawan at may bakas ng pana­nakal sa leeg ang isa sa kanila.

 

Show comments