^

Metro

Pasay traffic enforcer, huli sa kotong

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Natigil ang sinasabing ma­tagal nang modus sa pa­ngongotong ng isang traffic enforcer ng Pasay City Hall makaraang maaresto ito sa isang entrapment operation ng Pasay City Police, kama­kalawa ng gabi sa naturang lungsod.

Nakilala ang inaresto na si Rodolfo Magadia, 48, miyembro ng Pasay City Traffic and Parking Management Office.

Sa ulat ng Pasay City Po­lice, nakatanggap sila ng ulat sa regular na pangongotong umano ng mga traffic en­forcers na nakatalaga sa may Andrew Avenue malapit sa Ninoy Aquino International Airport.

Dito ipinag-utos ni Pasay Police officer-in-charge Sr. Supt. Rodolfo Llorca ang pagsasagawa ng entrapment operation kung saan isang pulis ang nagpanggap na sibilyang motorista na sinadyang magpahuli kay Magadia dakong alas-9 kamakalawa ng gabi sa may Andrew Avenue, Tramo.

Hiningan umano ng suspek ang pulis ng P500 ngunit isang marked money ang iniabot nito.  Dito na inaresto ng mga nakaantabay na alagad ng batas si Magadia.

Sinampahan ng kasong robbery extortion ng pulisya sa Pasay Prosecutor’s Office si Magadia.

vuukle comment

ANDREW AVENUE

DITO

MAGADIA

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

PASAY CITY HALL

PASAY CITY PO

PASAY CITY POLICE

PASAY CITY TRAFFIC AND PARKING MANAGEMENT OFFICE

PASAY POLICE

PASAY PROSECUTOR

RODOLFO LLORCA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with