^

Metro

Binata itinumba sa harap ng kinakasama

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang construction worker ang nasawi habang isang dalagita na tinamaan ng ligaw na bala ang sugatan makaraang pagbabarilin ang una ng hindi nakikilalang salarin sa harap mismo ng kanyang kinakasama sa lungsod Quezon, inulat kahapon.

Dead-on-arrival sa ospital ang biktimang si Darwin Dandan Amasan, 18, at residente sa Yakal St., Brgy. Commonwealth sa lungsod.

Agad namang nalapatan ng lunas ang sugatang biktima na si Diana Betonio, 17, matapos tamaan ng ligaw na bala sa katawan.

Ayon sa ulat, nangyari ang insidente sa may kahabaan ng Lawin St., Brgy. Commonwealth ganap na alas- 9 ng gabi.

Bago ito, nag-uusap umano ang biktima at kanyang kinakasamang si Arrolyn Oreta nang biglang sumulpot mula sa kanilang likuran ang suspect na armado ng baril.

Dito ay biglang pinaulanan ng bala ng suspect ang biktima, sa harap ni Oreta na walang nagawa sa kabiglaanan. Nang duguang bumuwal sa lapag ang biktima ay saka naglakad papalayo sa lugar ang suspect na parang walang nangyari at tumakas.

Sa puntong ito, nagsisigaw ng paghingi ng saklolo si Oreta sa kanyang mga kaibigan para itakbo ang biktima sa Malvar General Hospital pero hindi na rin ito umabot pa ng buhay.

Samantala, di-kalayuan sa lugar ay tinamaan naman ng ligaw na bala si Betonio at itinakbo ng kanyang kaanak sa East Avenue Medical Center para malapatan ng lunas. Patuloy ang pagtugis ng awtoridad sa naturang suspect na nakasuot umano ng itim  na jacket at bull cap.

ARROLYN ORETA

AYON

BRGY

DARWIN DANDAN AMASAN

DIANA BETONIO

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

LAWIN ST.

MALVAR GENERAL HOSPITAL

ORETA

YAKAL ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with