^

Metro

‘Basag-bukas kotse gang’, arestado

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nadakip ng mga awtoridad ang isang lalaking miyembro ng ‘Basag-Bukas Kotse Gang’ na umano’y responsable sa serye ng mga insidente ng pagnanakaw sa mga sasak­yan sa Pasig City, kahapon, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni P/Senior Insp. Rodrigo de Dios, hepe ng Station and Investigation and Detective Management Branch (SIDMB) ng Pasig City Police, ang suspek na si Richie Nuñez. 34, residente ng Jenny’s Avenue, Brgy. Rosario, Pasig City.

Ayon kay De Dios, ang suspek ay naaresto matapos mahuli sa aktong kinukuha  ang mga mahahalagang gamit mula sa kotse ng isang Janet Washington, 42, ng Grand Emerald­ Tower, Ortigas Center, Pasig City.

Sa ulat, dakong alas-7:00 ng gabi nang maganap ang insidente sa Robles St., Eastbank Road cor. E. Rod. Ave., Brgy. Manggahan, Pasig City.

Ayon sa biktima, ipinarada niya ang kanyang Toyota Fortuner (ZEP-422) sa harap ng furniture shop sa naturang lugar.

Gayunman, habang nag­hahanap sila ng kanyang kasamang si Sheila Bangalan ng ilang items sa naturang shop ay napansin umano nilang may tao sa loob ng sasakyan. Nang kanyang tingnan ay nakita ang suspek na ninanakaw ang kanyang mga gamit kaya’t agad na humingi ng tulong sa ilang bystander na siyang humabol sa suspek.

Nakatawag naman sa aten­siyon ni Jose Montero, member ng Traffic and Parking Management Office (TPMO) ng Pasig City Hall, ang ko­mosyon at ito na ang umaresto sa suspek.

vuukle comment

AYON

BASAG-BUKAS KOTSE GANG

BRGY

DE DIOS

EASTBANK ROAD

GRAND EMERALD

JANET WASHINGTON

JOSE MONTERO

ORTIGAS CENTER

PASIG CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with